Winters used to be cold in England. We, my parents especially, spent them watching the wrestling. The wrestling they watched on their black-and-white television sets on Saturday afternoons represented a brief intrusion of life and colour in their otherwise monochrome lives. Their work overalls were faded, the sofa cover—unchanged for years—was faded, their memories of the people they had been before coming to England were fading too. My parents, their whole generation, treadmilled away the best years of their lives toiling in factories for shoddy paypackets. A life of drudgery, of deformed spines, of chronic arthritis, of severed hands. They bit their lips and put up with the pain. They had no option but to. In their minds they tried to switch off—to ignore the slights of co-workers, not to bridle against the glib cackling of foremen, and, in the case of Indian women, not to fret when they were slapped about by their husbands. Put up with the pain, they told themselves, deal with the pain—the shooting pains up the arms, the corroded hip joints, the back seizures from leaning over sewing machines for too many years, the callused knuckles from handwashing clothes, the rheumy knees from scrubbing the kitchen floor with their husbands' used underpants.
When my parents sat down to watch the wrestling on Saturday afternoons, milky cardamon tea in hand, they wanted to be entertained, they wanted a laugh. But they also wanted the good guy, just for once, to triumph over the bad guy. They wanted the swaggering, braying bully to get his come-uppance. They prayed for the nice guy, lying there on the canvas, trapped in a double-finger interlock or clutching his kidneys in agony, not to submit. If only he could hold out just a bit longer, bear the pain, last the course. If only he did these things, chances were, wrestling being what it was, that he would triumph. It was only a qualified victory, however. You'd see the winner, exhausted, barely able to wave to the crowd. The triumph was mainly one of survival. | Maginaw noon ang mga winter sa England. Pinalilipas namin ito, lalung-lalo na ng mga magulang ko, sa panonood ng wrestling. Ang wrestling na pinanonood nila sa kanilang black and white na TV tuwing Sabado ng hapon ay nagbibigay ng panandaliang sigla at kulay sa kanilang mga nakababagot na buhay. Ang kanilang mga maong na pangtrabaho ay kupas na, gayundin ang pantakip sa sofa na hindi napapalitan sa loob ng maraming taon, ang mga alaala ng kanilang mga pagkatao bago pa man sila pumunta sa England ay kumukupas na rin. Ginugol ng mga magulang ko at ng kanilang buong henerasyon ang pinakanatatanging oras ng kanilang buhay sa pagtatrabaho sa mga pabrika kapalit ng kakarampot na sweldo. Isang buhay na puno ng hirap sa pagkayod, pagkakandakuba, matinding rayuma, at sugat-sugat na mga kamay. Kagat-labi nilang tinitiis ang sakit. Wala silang magawa kundi ang magpatuloy. Sa kanilang mga isip sinubukan nilang maging manhid – na balewalain ang hindi pamamansin ng ibang trabahador, na hindi na sumimangot sa mga walang saysay na tsismisan ng mga foreman, at para sa mga babaeng Indian, sinubukan nilang hindi matakot sa mga oras na sasampalin sila ng kanilang mga asawa. Tiisin at harapin ang sakit, ito ang sinasabi nila sa kanilang mga sarili, sakit ng mga nangangalay na braso, ng mga lumulubhang kasu-kasuan ng balakang, ng mga pasumpong-sumpong na kirot ng likod dahil sa pananahi sa loob ng maraming taon, ng mga kinakalyong kamay dahil sa paglalaba, ng mga nirarayumang tuhod dulot ng pagkukuskos ng sahig sa kusina gamit ang mga lumang salawal ng kanilang mga asawa.
Kapag nakaupong nanonood ng wrestling ang aking mga magulang tuwing Sabado ng tanghali, hawak ang kanilang salabat, nais nilang maaliw, matawa. Ngunit higit pa rito, nais nilang mapatumba ng mabait na wrestler ang barumbadong kalaban. Nais nilang maparusahan ang mayabang at maangas na wrestler. Ipinagdarasal nilang hindi sumuko ang kalahok na nasa posisyong nakahandusay at imposible nang makatayo o di kaya’y tiim-bagang na namamaluktot sa sakit na natamo. Kung kaya lang niyang magtiis nang ilan pang sandali, magpigil sa sakit na dinaranas, at tapusin ang laban. Kung kaya lang niyang gawin ang mga ito sa kabila ng “dahas” na hatid ng larong wrestling, marahil ay makakamit niya ang tagumpay. Isang limitadong tagumpay na matutunghayan habang nakikita mo ang nanlulupaypay na nanalong kalahok, hindi na halos makakaway sa mga tao. Isang tagumpay na higit sa lahat ay para lamang manatiling buhay.
|